Nagpaalam na sa kaniyang mga kababayan sa Cavite si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle.
Sa kaniyang homily sa idinaos na misa sa Our Lady of Pillar Church, sinabi ni Tagle na magiging ‘OFW’ muna siya para sa sisimulang bagong tungkulin sa Rome bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ simula sa susunod na buwan.
Ayon naman kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, magtatalaga ng bagong Manila Archbishop ang Santo Papa kapag nagsimula na si Tagle sa kaniyang bagong tungkulin.
Bago tumulak pa Rome, si Tagle ay dadalo pa sa plenary assembly ng mga obispo sa Maynila mula January 25 hanggang January 27 at sa 7th Philippine Conference on New Evangelization sa January 28 at January 29.