Kasalukuyang naka-mandatory self-quarantine si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle matapos magpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ng Vatican Press Office na umuwi sa Pilipinas si Tagle subalit hindi naman idinetalye ang dahilan ng pagbabalik bansa ng dating Arsobispo ng Maynila.
Ayon kay Matteo Burni, director ng Vatican Press Office, wala namang sintomas ng sakit si Tagle at nagnegatibo pa nga ito sa COVID test bago umalis ng Roma.
Magugunitang nakabase na sa Vatican si Tagle matapos italaga ni Pope Francis bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of People o mas kilala sa Roma bilang “The Red Pope”.
Dahil dito, agad magsasagawa ng contact tracing ang Vatican sa mga taong nakasalamuha ng Kardinal bago ito umalis ng Roma pabalik sa Pilipinas.
Si Tagle ang kauna-unahang mataas na opisyal ng Vatican na nagpositibo sa COVID-19.