Nakasama si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Ash Wednesday ceremony sa Sant’Anselmo Church sa Rome na pinangunahan ni Pope Francis.
Ito ang kauna-unahang public appearance ni Cardinal Tagle na kasama ang Santo Papa matapos ang kanyang appointment bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.
Una nang nakita si Tagle sa launching ng libro mula sa Marcianum Press sa Pontifical Urban University kasama si Cardinal Pietro Parolin –ang Vatican Secretary of State.