Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng pagkakaroon ng kultura ng hindi marahas na pagkilos o active non-violence.
Sinabi ito ni Cardinal Tagle sa ginawang walk for life, ang malawakang prosisyon ng mga katolikong layko, bilang pagtutol sa pagpapatuloy ng EJK’s o extra judicial killings at sa panukalang pagbuhay sa death penalty.
Binigyang diin ni Tagle na hindi dapat tinatapatan ng karahasan ang karahasan dahil lalo lamang itong lalakas.
“Hindi mapupuksa ang karahasan ng kapwa karahasan. Kapa gang tugon sa karahasan ay karahasan din, na-doble ang karahasan”
“Ang lakas ng katotohanan, ang lakas katarungan, ang lakas ng dangal, ang lakas ng pagkalinga, ang lakas ng pagdamay, ang lakas ng pag-unawa, ang lakas ng pagpapatawad, ang lakas ng pagkakasundo, ang lakas ng pagmamahalan ang syang pipigil sa nakamamatay na karahasan.”
“Lakas, hindi dahas.”
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco