Nanawagan sa publiko si Luis Antonio Cardinal Tagle na ipagdasal ang mga pilipinong lubhang nasalanta ng bagyong Odette kasabay ng pagbabalik ng simbang gabi sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.
Bago magsimula ang ikalimang gabi ng simbang gabi, hiniling ni Cardinal Tagle na ipanalangin ang maraming pilipino na apektado ngayon ng pananalasa ng nagdaang bagyo kung saan, nangangailangan sila ng tulong kabilang na ang pagkain, tubig at gamot.
Hiling din ni Tagle ang walang hanggang kapayapaang ng mga yumao pilipino dahil sa bagyo.
Sa kabila ng banta ng panibagong virus na omicron variant ay madami parin ang nagsimbang gabi kung saan, mahigit limandaang katao ang dumalo ngayong taon.–Sa panulat ni Angelica Doctolero