Sama-samang naglakad para sa inang kalikasan ang mga katoliko sa isinagawang Walk For Creation sa Quezon City Memorial Circle kaninang umaga
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang nasabing aktibidad bilang hudyat ng pandaigdigang araw ng panalangin sa pangangalaga sa mga nilikha ng diyos
Sinimulan ang aktibidad ng isang Misa sa Liwasang Aurora kaninang ala 5 ng madaling araw na dinaluhan ng mga Madre, Relihiyoso, Kabataan at iba pang mga grupo
Agaw pansin din ang ilang Environmental Group na may dalang banner kung saan nakasaad ang mga katagang “Pagkain, Hindi Mina” na nananagawan sa pamahalaan na ipatigil na ang anumang uri ng pagmimina
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Cardinal Tagle na dapat alagaan ang kalikasan gayundin ang lahat ng mga nilikha ng diyos mula sa Langit, Lupa at Tubig bilang paggalang sa tinatawag na Web of Life