Dagsa ang libu-libong katoliko sa iba’t ibang simbahan sa buong bansa para sa salubungin ang pasko ng muling pagkabuhay ng panginoon.
Alas 3:00 kaninang madaling araw nang dumugin ng mga mananampalataya ang sumaksi sa tradisyunal na encuentro o salubong ng muling nabuhay na si Hesus at ang kaniyang nagluluksang inang si Maria.
Una rito, isinagawa kagabi ang easter vigil mass o ang magdamagang pagdiriwang para sa pasko ng muling pagkabuhay ng panginoon gayundin ang pagbibinyag sa mga bagong kristiyano at pagsariwa sa mga pangako ng mga binyagan.
Sa Manila Cathedral, pinangunahan ni Luis Antonio Cardinal Tagle, arzobispo ng Maynila ang easter vigil mass kung saan binigyang diin nito ang pag-alis sa mga batong humaharang sa ugnayan ng Diyos at tao.
Inihalintulad ng kardinal ang batong humaharang sa Diyos at tao sa batong hinarang sa libingan ni Hesus matapos itong mamatay sa krus.
“Alisin na yang bato yan! Kailangan natin ng global warming. Hindi yung global warming na makakasira ng environment, yung warmth of love, of communion, let it out, remove the stone of God and we refuse to remove those stones and we even put guards, please come.”
Tulad ng pagkakatuklas ni Maria Magdalena sa nakabukas na libingan ni Hesus batay sa nakasulat sa bibliya, sinabi ni Cardinal Tagle na tutulungan din ng Diyos ang tao na alisin ang bato sa buhay nito kung hihilingin nito sa kaniya.
“Do not block his way, go. Meet him. He is our life, he is our light. Do not be afraid. He is the rock of our salvation and we do not need other rocks to block his coming.”