Pangungunahan ni Cardinal Luis Tagle ang misa para sa Simbang Gabi sa Basilica di Santa Maria Maggiore sa Roma na gaganapin sa darating na Linggo, ika-20 ng Disyembre.
Ayon kay Sentro Pilipino Chaplaincy Priest, Fr. Ricky Gente, tinatayang 200 katao lang ang papayagang makapasok sa naturang simbahan.
Ito’y bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kung kaya’t, bubuksan din ang Basilica di Santa Pudenziana na kayang tumanggap ng 70 katao.
Samantala, sa ngayon, si Cardinal Tagle na ang itinuturing na kauna-unahang Pilipinong Cardinal na mangunguna sa misa ng Simbang Gabi sa Roma.