Kinunsensya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pulitko ngayong darating na halalan.
Sa kanyang lecture sa ika-51 International Eucharistic Congress sa Cebu, sinabi ni Tagle na dapat pahalagahan ng mga pulitiko ang boto ng taumbayan.
Giit ng Kardinal, na sa panahong mahalal na sa posisyon ang isang kandidato, nangangahulugang nakuha na nito ang tiwala ng taumbayan na dapat ituring na isang regalo na dapat ingatan.
Dahil dito, sinabi ni Tagle na nararapat lamang suklian ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga botong ito ng tapat na paglilingkod at pagtupad sa mga ipinangako sa publiko.
By Jaymark Dagala