Tumulak na patungong Vatican si Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nakatakdang gampanan ni Tagle ang bagong tungkulin bilang isa sa pinuno ng congregations sa Vatican City.
Dahil sa pag-alis ni Tagle, nabakante ang kaniyang puwesto sa Archdiocese of Manila.
Magsisilbi namang apostolic administrator si Auxiliary Bishop Broderick Pabillo habang wala pang itinatalaga ang Santo Papa na papalit kay Tagle.
Bago umalis kagabi, nagsagawa pa si Tagle ng huling misa bilang Manila Archbishop sa Manila Cathedral, kahapon ng umaga, ika-9 ng Pebrero.
Sa mensahe ni Tagle, sinabi nitong isang karangalan ang manilbihan sa Archdiocese at hiniling ang dasal para sa kaniyang bagong misyon.