Umaapela ng tulong sa mga mananampalataya si Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle para sa pagbangon ng Marawi City.
Sinabi ni Tagle na magandang pagkakataon ito para maipakita ng mga Katoliko ang malasakit sa mga kapatid na Muslim.
Kasabay nito, umaasa si Tagle na mapapabilis ng gobyerno ang rehabilitasyon program sa Marawi City.
Magugunitang nilinaw ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi pa tuluyang natatapos ang digmaan sa Marawi City kahit pa pormal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ganap na paglaya nito.