Sisimulan na ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pamamahagi ng “care kits” sa mga residenteng kinakailangang mag-quarantine dahil sa COVID-19.
Binubuo ito ng food packs, alcohol, pulse oximeter, thermometer, medicines at vitamins para sa mga matatanda at bata.
Kabilang sa mga lungsod na namahagi ng care kits ay ang Marikina City, Makati City, Malabon at Quezon City.
Pinasalamatan naman ng Metro Manila LGUs ang Office of the Vice President at Department of Health sa pagbibigay ng care kits na kanilang ipinamahagi sa mga residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero