Masakit man sa kanilang kalooban, nagpahiwatig ngayon ang pangulo ng Miami Heat na si Pat Riley na tapos na ang karera sa koponan ni Chris Bosh.
Ito ay makaraang bumagsak sa physical test si Bosh sa hindi sinabing dahilan.
Matatandaang dalawang malaking season din nawala si Bosh dahil sa blood clot nito sa binti.
Ayon kay Riley, hindi na nila inaasahan ang pagbabalik sa hinaharap ni Bosh sa Heat at kinailangan aniyang maghanda ng koponan para sa susunod na season nang walang Bosh na inaasahan.
Umaasa naman si Riley na hindi gaano magiging malaki ang impact ng pagkawala ni Bosh.
By Ralph Obina