Isiniwalat ng Bureau of Customs (BOC) ang sinasabing cargo-switching scheme na nagpapahintulot sa mga misdeclared items na nakatengga upang maipuslit palabas ng mga pantalan.
Kinumpirma ni Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa ang naturang modus nang masabat nila ang shipment ng mga blank cd na nagkakahalaga ng P3 milyong piso na tinangkang ipuslit sa shipyard ng ICTSI.
Ayon kay Dellosa, isang container na naglalaman ng mga garment at mumurahing plastic toys na hindi naman hinarang ng BOC ang itinabi sa container na naglalaman naman ng mga blank cd.
Matapos anya nito ay ipinagpalit ang laman ng mga nasabing container.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Customs kung sino o anong grupo ang nasa likod ng sinasabing modus.
By Drew Nacino