Hihigpitan ng pamahalaan ang operasyon ng mga cargo vessel at truck sa bansa.
Ito ang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Edurado Año matapos mapag-alamang ilan sa mga ito ang ginagamit ng mga locally stranded individuals (LSI’s) para makauwi ng probinsiya.
Ayon kay Año, hindi nakikipag-ugnayan sa Local Government Units (LGU’s) ang mga nabanggit na LSI’s na kanyang ring tinukoy bilang mga “guerilla” hinggil sa kanilang pagbiyahe.
Aniya, oras na makakuha na ng medical certificate at travel pass ang mga ito, dumideretso sila sa mga cargo ships o cargo trucks at babayaran ang mga tripulante para makasakay sila.
Dagdag ni Año, pagdating ng probinsiya, hindi na rin sila maisasailalim sa checking ng mga LGU’s na nagiging dahilan naman ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa mga lalawigan.