Idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ligtas sa red tide toxins ang tubig sa baybayin ng milagros sa Masbate, Carigara bay sa Leyte at Murcielagos bay sa Zamboanga Del Norte.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, wala ng peligro ang pagkain ng mga shellfish na nakukuha sa mga nasabing karagatan.
Gayunman, may ilang coastal waters na nanananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison.
Ito ay ang mga baybaying-dagat ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas bay sa Zamboanga Del Sur at Lianga bay sa Surigao Del Sur.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico