Nagpositibo sa COVID-19 si Rev. Anton Ct Pascual na head ng Caritas Manila at Radio Veritas.
Sa isang pahayag, sinabi ng Radio Veritas na sa lumabas na RT-PCR result ni Pascual positibo ito sa virus at kasalukuyan nang naka-admit sa Cardinal Santos Medical Center.
Habang ang iba pang opisyal ng at empleyado ng caritas manila na nagpositibo rin sa virus ay kasalukuyan nang naka-quarantine.
Dahil dito, ang tanggapan ng Caritas Manila sa Jesus Street sa Pandacan sa Maynila ay naka-lockdown mula kahapon, 20 ng Marso hanggang28 ng Marso para bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection at sanitation.
Sa ngayon, nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas sa publiko na ipanalangin ang mabilis na pag-rekober ni Rev. Pascual.