Isinama na rin sa pagdinig ng Senado ukol sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos ang pagkakapatay sa binatilyong si Carl Angelo Arnaiz.
Lumalabas sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory na nagpositibo sa gun poweder si Arnaiz na inaakusahang nag-holdap umano ng isang taxi driver.
Batay naman sa forensic analysis ng Public Attorney’s Office o PAO sa katawan ni Carl, sinabi ni Dr. Erwin Erfe, na limang tama ng bala sa katawan ang binatilyo.
Maliban dito, mayroon ding marka ng posas si Carl at may gasgas din ang likod nito na indikasyon na kinaladkad ito.
“It looks like that the victim was handcuffed, there are marks of handcuff, and the victim was mobbed, there is no indication of a close range or near contact.” Pahayag ni Erfe
By Ralph Obina