Positibong itinuro ng isang testigo ang dalawang (2) pulis-Calooocan na nasaksihan niyang bumaril kay Carl Angelo Arnaiz.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, isinalaysay ng testigo na pinangalanang ‘Jo Daniel’ na galing siya sa birthday party sa Taksay St. sa C3 Road Caloocan kaya’t naroon siya noong maganap ang pagpatay kay Carl.
Nagtago aniya siya sa isang poste nang makita ang police car dahil natakot siyang mahuli dahil sa umiiral na curfew kaya’t nasaksihan niya ang krimen.
Kinumpirma rin Daniel na nakita niyang may isa pang tila bata na nakaupo sa loob ng mobile ng pulis na kalaunan ay nakilala nang si Reynaldo de Guzman.
Una rito, kinumpirma rin ng taxi driver na di umano’y hinoldap ni Carl na kasama nito si De Guzman nang siya ay holdapin.
Isinalaysay rin ni Daniel ang kanyang mga nakita kung paanong pinatay ng mga pulis si Arnaiz at kung paano ito tinamnam ng ebidensya.
“Nakatakbo pa po siya sa may damuhan na yun and then nakaluhod siya, binaril na may posas.”
“May kinuhang puting bagay and then may pinaputok na dalawang mahina at dalawang magkasunod at takot na takot ako noon.” Ani Daniel
—-