Humarap sa kauna-unahang pagkakataon ang taxi driver na hinoldap umano ng 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz na si Tomas Bagcal.
Sa isang press conference sinabi ni Bagcal na totoong naholdap siya ng isang lalaki na kalaunan ay nakilala niyang si Carl noong madaling araw ng Agosto 18.
Subali’t taliwas sa nakasaad sa kanyang affidavit, iginiit ni Bagcal na buhay niyang dinala si Carl sa Caloocan City Police Station, matapos niya aniya madakip ito sa tulong ng mga tambay na bumugbog sa binata.
Sinabi pa ni Bagcal, mula sa nasabing istasyon ay dinala ng mga pulis si Carl sa C-3 at pinasunod siya kung saan nakarinig na siya ng putukan kaya siya nagtago sa isang poste ng kuryente.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ng taxi driver na si Tomas Bagcal
Kinumpirma rin ni Bagcal na may dalang baril si Carl nang holdapin siya nito ngunit hindi naman pumutok.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ng taxi driver na si Tomas Bagcal
Samantala, iginiit ni bagcal na wala siyang alam sa kaso ng katorse anyos na si reynaldo de guzman dahil tanging si carl lang aniya ang nangholdap sa kanya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ng taxi driver na si Tomas Bagcal
—-