Tumatanggi pa rin sina Carla Abellana at tom rodriguez na lagyan ng label ang kanilang relationship o kung anumang closeness mayroon sila.
Ayon kina Carla at Tom, bahala na ang tao na magbigay ng label sa relasyon nila bagamat halos isang taon na rin aniya silang nasa ” exclusively dating” stage.
Gayunman, nakiusap si Tom na maiwan na lang ang ilang bagay sa kanila ni Carla bilang pribado bagamat public properties naman sila.
Sang ayon naman si Carla sa nasabing pahayag ni Tom at sa katunayan ay binigyang diin nitong hindi naman garantiya ang label sa maayos na lagay ng isang relasyon.
Naniniwala ang Kapuso actress na hindi kailangang laging sumunod sa tradisyunal na pakikipag relasyon dahil depende naman ito sa magka relasyon o dalawang taong nasa loob ng nasabing commitment.
Kapwa inihayag nina Tom at Carla na nais nilang ingatan kung anuman anila ang namamagitan sa kanila ngayon dahil labis naman nilang napapasaya ang isat isa.
Sina Carla at Tom ay unang nagkasama bilang husband and wife sa blockbuster serye ng kapuso channel, ang my Husband’s Lover.
By: Judith Larino