Inamin ng Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19 na may mga naging pagkukulang ang pamahalaan sa pagresponde sa covid pandemic.
Gayunman, sinabi ni Secretary Carlito Galvez na inaayos na nila ito sa phase two ng national action plan against coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Galvez, maliban sa mga pagkukulang ng pamahalaan, ang behavioral culture ng mga pilipino ang pagdagsa ng mga nais umuwi sa probinsya ang nakikita nyang dahilan ng paglobo ng covid cases sa bansa.
Kailangan pa anya ng matinding edukasyon para sa awareness ng mamamayan sa covid pandemic lalo na ang mga informal settlers na vulnerable anya sa virus.