Game na game na kumasa sa iba’t ibang Tiktok challenge ang mga kapamilya stars na sina Carlo Aquino, Nikko Natividad, at Jerome Ponce.
Nagsama-sama ang tatlong aktor para sa isang fundraising activity para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Nagpakitang gilas sina Carlo, Nikko at Jerome sa pagsayaw ng Toxic x Pony mashup craze at Tutu challenge.
Sumabak din ang tatlong heartthrobs sa “Bad Romance” challenge at “Jojowain o Totropahin” challenge.
Ang Tiktok challenge ay bahagi ng “isang daan sa pagtutulungan” na isang fundraising activity para sa mga biktima ng bagyong Odette na isasagawa hanggang bukas, January 28.