Pinapurihan ng Malakanyang ang pagka-panalo ni Olympic Boxer Carlo Paalam ng silver medal sa men’s flyweight division ng 2020 Tokyo Olympics.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang tinahak na landas ni Carlo sa olympics ay istorya ng bawat Pinoy na may kaakibat na pagpupunyagi, sakripisyo at pagsisikap.
Magsilbi aniya sanang inspirasyon si Paalam sa nakababatang henerasyon ng mga Pinoy.
Nagpasalamat din ang Palasyo sa lahat ng atletang Pinoy na lumahok sa olympics upang ipamalas ang kanilang world-class talent, bitbitin ang watawat ng bansa at i-angat ang diwa ng sambayanan sa kabila ng pandemya.
Ipinagmalaki pa ni Roque na ang ipinakitang husay ng mga atletang Pinoy ngayong taon ang pinaka-magandang performance ng Pilipinas sa kasaysayan ng olympics. —sa panulat ni Drew Nacino