Nanawagan si Olympic Silver Medalist Carlo Paalam na mabigyan din ng pabuya ang kanyang mga coach.
Ayon kay paalam, hindi aniya sila huhusay kung wala ang tulong ng kanilang magigiting na trainers.
Ayon sa Republic Act 10699, tatangap ng cash insentives ang mga coach ng mga national athletes kung personal na nagturo ito sa mga nanalo sa mga nanalo sa international competitions.
Siniguro naman ni Representative Bambol Tolentino na ang Philippine Sports Committee na ang bahala sa mga tiga sanay ng mga atleta.
Nakatanggap si Paalam ng P5 milyon bilang pabuya sa kanyang pagbingwit ng silver medal sa katatapos lang na Tokyo olympics.—sa panulat ni Rex Espiritu