Humakot ng 2 tanso si Filipino gymnast Carlos Yulo sa all-Japan gymnastics championships bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa Tokyo olympics sa susunod na taon.
Ito’y makaraang humataw ang 20-anyos na gymnast sa floor exercises at vault sa kompetisyon na ginanap sa Takasaki arena.
Sinasabing umiskor si Yulo ng 14.866 sa vault kasunod ng kanyang mga katunggali na sina Hidenobu Yonekura (15.133) at Keisuke Asato (15.083).