Siniguro ng Filipino Gymanast na si Carlos Yulo na napaghandaan niya ang pagsabak sa 2021 Artistic Gymnastics World Championships na ginaganap sa Kitakyushu, Japan.
Ayon kay Yulo, kakaiba ang paghahanda niya ngayon para sa tatlong aparatus dahil wala siya umanong injury at tanging parallel bars lamang ang hindi siya kuntento sa naging perpormans.
Samantala, magsisimula ang pagdepensa niya sa floor exercise title sa Oktubre 23, na susundan ng vault finals at parallel bars na gaganapin sa Oktubre 24. —sa panulat ni Airiam Sancho