Tinapos ni Filipino Olympic gymnast Carlos Yulo sa ika-8 pwesto ang 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool, England.
Nanguna naman ito sa pullbars at floor exercises na mayroong 15.166 points habang may kabuuan naman itong score na 82.098 mula sa anim na events.
Samantala, pinangunahan naman ni reigning Olympic Champion Daiki Hashimoto ang kumpetisyon na may score na 87.198 na nakakuha ng gintong medalya.
Sumunod naman ang silver medallist na si Zhang Boheng ng China na may 86.765 points at Wataru Tanigawa ng Japan na may 85.231 points na nakakuha ng tansong medalya.
Inaasahan naman na makakabawi si Yulo sa isa pang floor exercise event na gaganapin mamayang 9:30 ng gabi. —sa panulat ni Hannah Oledan