Target ngayon ng Filipino olympic athlete na si Carlos Yulo na masungkit ang apat na gintong medalya sa 51st Artistic Gymnastics World Championship Liverpool sa England.
Ayon sa gymnast champ, kaniyang pinaghahandaan ang napipintong pagsabak niya sa naturang kompetisyon na gaganapin sa buwan ng Oktubre.
Matatandaang naiuwi ni Yulo ang 3 gold medals at 1 silver medal sa katatapos lamang na 9th Senior Asian Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar.
Tiwala naman si Japanese coach Munehiro Kugimiya na malalampasan ni Yulo ang kanyang huling record at muling mag-uuwi ng karangalan sa Pilipinas.