Nagpaabot ng sweet message si Carmina Villaroel sa kanyang asawa na si Zoren Legaspi para sa kanilang 10th wedding anniversary.
Sa instagram, ibinahagi ni Carmina ang video kung saan makikita ang ilang throwback photos nila ni Zoren.
Ayon kay Carmina, marami na silang pinagdaanan at sinabing hindi niya malalampasan ang lahat ng ito kung hindi niya kasama ang kanyang asawa.
Say pa ng aktres, pipiliin niyang pakasalan ng paulit ulit si Zoren.
Nagpahayag din ng isang touching message si Zoren para kay CARMINa, kung saan sinabi nito sa asawa na “you are forever safe in my arms.”
November 2012 nang ikasal ang dalawa at nagkaroon ng twins na sina Cassy at Mavy.