Itinutulak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbabawal ng caroling sa mga kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay DSWD Director Alicia Bonoan, layon nitong maiwasan ang pangangaroling sa mga dumadaang sasakyan ng mga bata kung saan ay nalalagay sa alanganin ang kanilang mga kaligtasan.
Sinabi ni Bonoan na hindi kalye ang lugar sa mga bata at hindi aniya natin alam na baka may mangyari sa mga ito o di kaya ay ikamatay pa ng mga ito ang pangangaroling sa kalsada.
Kaugnay nito, nanawagan ng tulong DSWD sa mga lokal na pamahalaan para suportahan ang metrowide ban sa pangangaroling sa mga lansangan.
By Ralph Obina