Tinawag na duwag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio matapos tanggihan si Presidential Spokesman Harry Roque na maka-debate sa isyu ng West Philippine Sea.
Ipinagtanggol din ni Dela Rosa ang Pangulong Rodrigo Duterte nang umatras ito sa pagkasa ni Carpio sa naunang hamon na debate dahil ayaw ng pangulo na bumaba sa level ng dating mahistrado lalo’t wala naman aniyang makukuha rito ang pangulo.
Hirit pa ni Dela Rosa, #CarpioDuwag ang dapat pausuhin at hindi #DuterteDuwag na nag-trending sa social media nitong nakalipas na linggo matapos na atasan na lamang si Roque na makipag-debate kay Carpio gayung siya ang unang naghamon sa retiradong mahistrado.