Sumama na rin si dating Supreme Court associate justice Antonio Carpio sa mga nagpahayag ng pangamba sa 40 porsyentong share ng China sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon kay Carpio, ano mang oras na gustuhin ng China ay maaari nilang isabotahe ang kuryente sa bansa dahil hawak nila ang kontrol sa NGCP.
Una nang naghain ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros para imbestigahan ng Senado at magkaroon ng national security audit sa operasyon at pasilidad ng NGCP.
Inihain ito ni Hontiveros matapos aminin ni Atty. Melvin Matibag, pangulo ng National Transmission Company na mayroong kakayahan ang China na patayin ang transmission system ng bansa sa pamamagitan ng remote control.
Natuklasan rin sa budget deliberations na mayroong access sa operasyon ng NGCP ang mga Chinese managers at engineers.