Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na tutungo sa closing ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games at concert ng bandang U2 na magsagawa ng carpooling.
Ayon kay EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, ito ay para maiwasan ang mas mabigat na daloy na trapiko sa EDSA.
Gaganapin ang concert ng U2 sa Philippine Arena sa Bulacan samantalang sa New Clark City naman sa Tarlac ang venue ng closing ceremony ng SEA Games.
Aniya, malaki ang posibilidad na magkasabay matapos ang dalawang naturang event.
Samantala, nag paalala rin ang MMDA na ipapatupad ang stop-and-go scheme sa EDSA at ilan pang mga pangunahing kalsada para bigyang daan ang convoy ng mga delegado ng SEA Games.