Isa pang napakalakas na hurricane ang kasalukuyang nananalasa sa Carribean Islands.
Dakong alas-10:00, kaninang umaga, oras sa Pilipinas nang mag-landfall sa Island nation ng Dominica ang category 5 Hurricane Maria.
Ayon sa National Hurricane Center ng Estados Unidos, ang nabanggit na hurricane ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Dominica.
Taglay ng Hurricane Maria ang lakas ng hanging aabot sa 260 kilometers per hour at pagbugso na 315 kilometers per hour.
Kabilang sa mga apektado sa mga oras na ito si Dominica Prime Minister Roosevelt Skerrit na nalubog sa baha at nilipad ang bubong ng bahay dahil sa sobrang lakas ng hangin.
Samantala, tinutumbok din ng bagyo ang karatig isla ng Puerto Rico, Dominican Republic, Haiti at Cuba na pawang hindi pa nakababangon sa delubyong idinulot ng Hurricane Irma.
—-