Hindi kailangang doktor ang maging Undersecretary ng Department of Health (DOH).
Ito’y ayon kay Dr. Ted Herbosa, Chairperson ng Department of Emergency Medicine sa UP-PGH, kasunod ng pagkakatalaga kay retired Philippine National Police Chief Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng DOH.
Kwalipikado aniya si Cascolan sa posisyon at wala aniyang problema dito dahil marami namang doktor sa ilalim ng ahensya.
Iginiit pa ni Herbosa na ang pagtatalaga ng DOH Undersecretary ay nakadepende sa ‘trust and confidence’ ng pangulo.