Manunungkulan na bilang full-pledged chief ng Philippine National Police (PNP) si Police Lt. Gen. Camilo Cascolan.
Iyan ang kinumpirma mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ayon kay Año, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni Cascolan bilang hahalili sa magreretiro nang si PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa ngayong araw, ika-2 ng Setyembre.
Binigyang diin pa ni Año, nakabatay sa rules of succession ang naging appointment kay Cascolan na dalawang buwang manunungkulan sa PNP hanggang magretiro ito sa ika-10 ng Nobyembre.
Maguginita na kabilang si Cascolan sa tatlong pangalang isinumite ni Año sa pangulo bilang mga most senior officer ng PNP kasama sina P/LtG. Guillermo Eleazar at P/LtG. Cesar Binag.
Dahil dito, si Cascolan ang ika-apat na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) sinagtala class of 1986 na nasungkit ang pinakamataas na posisyon sa hanay ng police service.