Nagsasagawa na ng case build up ang Department of Justice laban sa mga indibidwal at grupong sa sangkot sa pagpupuslit ng sibuyas at iba pang produktong pang-agrikultura.
Tiniyak ng DOJ Na sa oras na handa ang mga kaso ay maghahain sila ng mga reklamo laban sa mga sangkot sa smuggling.
Saklaw ng imbestigasyon ang mga paglabag sa Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at iba pang batas.
Target sa RA 10845 ang illegal importation ng agricultural products, kabilang ang sibuyas at may katapat na mabigat na parusa.