Tuluy-tuloy ang ginagawang case build up ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkaka-ugnay ni Senador Leila de Lima sa operasyon ng iligal na droga sa loob ng NBP o New Bilibid Prison noong Justice Secretary pa ito.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre bagamat kumbinsido siya sa naunang anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na uubra nang kasuhan si De Lima.
Ayon pa kay Aguirre, maging si San Beda graduate School Dean Father Ranhilio Aquino ay nagsabing talagang mayroong probable cause para kasuhan na ang senadora.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
House inquiry
Samantala, iginigiit ni Aguirre ang pagharap ni big time drug lord Jaybee Sebastian sa pagdinig ng Kamara sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Ipinabatid sa DWIZ ni Aguirre na tanging sa usapin lamang ng umano’y anomalya sa food packs sa NBP ang gustong talakayin ni Sebastian.
Hindi naman aniya siya pumayag sa hiling ni Sebastian na aniya’y naging bukambibig ng mga bilanggo ng NBP na tumestigo sa naturang usapin.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Judith Larino | Karambola