Nanawagan ang grupong KMP o Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa pamahalaan at sa NDFP o National Democratic Front of the Philippines na pagtuunan ang CASER o Comprehensive Agreement on Social Economic Reforms.
Kasabay ito ng ikatlong yugto ng usapang pangkapayapaan sa Rome, Italy kung saan CASER ang pinakamahalaga umanong tatalakayin.
Sinabi ni KMP Chairperson Joseph Canlas, dapat alalahanin ng peace panels ang mga magsasakang nagbuwis ng buhay sa Mendiola Massacre noong 1987 at iba pang nagsakripisyo para sa minimithing tunay na reporma sa lupa at hustisyang panlipunan.
Inaasahang tutugon ang CASER sa isyu ng repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon, at ugnayang panlabas.
By: Avee Devierte