Aarangkada na ngayong araw ang pagbibigay ng cash assistance para sa mga taong nasiraan ng kabahayan dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, magmumula ang pondo sa Assistance to Individuals In Crisis Situations (AICS) program ng ahensya.
Habang ani Tulfo ang mga slightly damaged naman ay posibleng mabigyan sila ng pampaayos bukas o sa susunod na araw.
Sinabi pa nito na target nilang unahin ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga indibidwal na hindi pa kumakain.
Tinatayang 714 bahay ang napinsala ng severe tropical storm Paeng, base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng linggo, may 555 ang partially damaged at 159 naman ang totally damaged.