Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na makakatanggap ng ayuda ang mga residenteng apektado ng krisis bunsod ng pandemiya.
Sa tulong ng Kalingang Kyusi sa Negosyo’ Program ng pamahalaang lokal ay mabibigyan ng tulong pinansyal ang aabot sa 114 na residente sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng programa na matulungang makabangon ang mga negosyong lubhang naapektuhan bunsod ng COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Angelica Doctolero