Aprubado na ang pagbibigay ng cash aid sa mga middle class workers na nagta-trabaho sa mga micro, small and medium enterprises.
Ayon kay Inter Agency Task Force Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dalawang beses na ipalalabas ang pondo sa mayo.
Sakop nito ang mahigit isa at kalahating milyong maliliit na negosyo at humigit kumulang sa 3.4-M na empleyado.
P5,000 hanggang P8,000 rin ang matatanggap ng empleyado depende sa minimum wage na umiiral sa kanilang rehiyon.
Sinabi ni Nograles na kelangan ring hindi nasibak ang empleyado at hindi rin sya nag-resign.
But the employee must have been employed by the company as of March 1, no.2 dapat hindi pa siya binabayaran ng employer niya o for that month hindi pa siya nababayaran, no. 3 lahat covered except yung only, except yung mga nag-avail na ng SSS unemployment benefits. Ang priority natin are those businesses na registered and applying sa SSS and reigistered sa BIR,” ani Nograles.