Kumikilos na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maipamahagi ang P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa vulnerable sector sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nasasaad ito sa Bayanihan to Heal as One Act na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa Pangulong Rodrigo Duterte upang tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, nagsimula na silang mamahagi ng amelloration cards sa mga local government units (LGUs) upang mapapirmahan ng mga barangay officials sa kanilang mahihirap na constituents.
Sa amelloration card, idedetalye ang bilang ng miyembro ng isang pamilya, ang kanilang trabaho, at average income upang maisama bilang attachment sa isusumiteng beneficiaries ng LGU sa DSWD.
Kabilang sa mga itinuturing na vulnerable sector ang persons with disabilities (PWDs), senior citizens, mga buntis, walang tahanan, at manggagawa sa informal sector.