Hindi kakayanin ng gobyerno na isailalim muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil walang budget para sa cash aid na maaapektuhan ng lockdown.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos isulong ng NCR Mayors na uubrang magpatupad ng panibagong ECQ sa kalakhang Maynila kung magbibigay ng cash assistance ang National Government sa mga apektadong residente.
Sinabi ni Roque na 60% ng Gross Domestic Product ay mula sa NCR+8 at sa ilalim ng kumpletong lockdown. Mawawalan ng trabaho ang mga tao kaya’t hayaan munang mag trabaho ang mga ito habang nasa moderate risk pa ang NCR+8 na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Metro Cebu at Metro Davao.