Inilunsad ni House Speaker Martin Romualdez, kasama ang ilang mambabatas at Department of Social Welfare and Development, ang Cash and Rice Distribution o CARD Program.
Bilang pagtugon ang nasabing financial at rice assistance program sa hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumikha ng programa upang mabigyan ng abot-kaya at de-kalidad na bigas ang mga mahihirap.
Inilunsad ang CARD Program sa 33 distrito sa Metro Manila.
Aabot sa higit 330,000 ang beneficiaries ng naturang programa at hahatiin ito sa apat na payouts.
Nasa 2,000 pesos ang makukuhang tulong ng mga benepisyaryong senior citizens, PWDs, solo parents, at Indigenous Peoples.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Speaker Romualdez na papairalin din sa natitira pang 250 congressional districts sa bansa ang CARD program.