Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na hindi nila babawiin ang cash assistance na ibinigay sa mga benepisyaryo ng unconditional cash transfer sa oras na masuspinde ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law).
Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo ,posibleng nagastos na ng mga benepisyaryo ang nasa 2,400 cash assistance o katumbas ng 200 Piso.
Ang naturang cash assistance ay kabilang sa mga probisyon ng TRAIN Law, na balak suspendihin ng ilang mga mambabatas dahil sa pagtaas ng inflation rate ng bansa.
Batay sa tala ng DSWD , nasa 4.1 milyong benepisyaryo ng UCT kabilang ang 4.4 na milyong benepisyaryo ng conditional cash transfer program ang nakatanggap na ng kanilang cash assistance para sa taong ito.