Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa pamahalaan na agad ipamahagi ang P6.5-B na nakalaan para sa cash assitance ng mga magsasaka.
Giit ng senadora, kailangan din ay mabigyan ng tig P12,000 ang mga lokal na magsasaka na nalulugi.
Inilabas ni Hontiveros ang pahayag matapos ang report ng United Stated Department Of Agriculture-Foreign Agri Services na ang Pilipinas ay nakatakda nang maging pangalawa sa pinakamalaking rice importers sa mundo.
Indikasyon ito aniya na kailangan ng tulong ng mga magsasaka sa bansa.
Samantala, isinusulong din ang pagpapatupad ng nationwide rice subsidy kung saan bibilin ng gobyerno ang bigas ng mga lokal na magsasaka sa halagang hindi baba sa 20 pesos kada kilo. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)