Sa kalagitaan ng susunod na linggo na ipapalabas ang cash assistance para sa mga pamilyang apektado ng muling pagsailalim sa ECQ ng Metro Manila simula kahapon.
Ayon ito ay DILG Undersecretary Epimaco Densing, III matapos maipasok sa bank accounts ng Local Government Units ang halos P11-B na cash assistance sa Metro Manila residents.
Gayunman, ipinabatid ni Densing na kailangan munang lumagda ang DILG, DND at DSWD sa isang Joint Memorandum Circular na magsisilbing basehan sa cash DOLE distribution bago tuluyang ipalabas ang pera.
Kaugnay pa nito, sinabi ni Densing na gagamitin proseso sa pamamahagi ng cash assistance ang template na ginamit sa ipinatupad na ECQ noong Abril kaya’t inaasahan ng DILG na gagamitin ng LGU’s ang parehong listahan ng mga beneficiary.