Namahagi ng Cash at In-kind donation sina House Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-list Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre sa mga residente ng Davao del Norte na apektado ng pagbaha.
Maliban sa P1M cash aid, ipinamahagi rin ang nasa 1,600 food packs sa mga residente ng Tagum City at mga Bayan ng New Corella, Asuncion, Kapalong, Carmen, at Braulio Dujali.
Tiniyak naman ni Romualdez na maka-aasa ang mga Pilipino sa mabilis na pagtugon at pagpapaabot ng tulong ng Kamara sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Magugunitang nakaranas ng flashfloods ang ilang bahagi ng Mindanao bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng shearline noong Disyembre. —sa panulat ni Hannah Oledan